Paano Gumawa Ng Video?

Unang tanong ito ng mga estudyante na gustong matuto kung paano gumawa ng video para sa YouTube at kumita ng pera, pero mali ang unang impresyon nila sa tanong na ito kasi ang dapat mong unahin sa pagawa ng video ay kung anong klaseng video ang gagawin mo. Research muna kumbaga.

Pero hindi naman ito yung research na ginagawa ng mga dalubhasa na kumplikado, na akala mo ay hindi mo kayang gawin. Kailangan mong i-research kung panonoorin ba ng mga tao ang gagawin mong video.

Kaya sa post na ito, malalaman mo ang mga video na pwede mong gawin na aangkop sa YouTube at ito ang mga basic na topic na trending sa YouTube.

Example:
1. Top 10 ________ of All Time.
2. 5 Most Amazing ________ in the world.

Alam mo na siguro kung ano ang mga yun, at magtatanong ka kung saan ka kukuha ng idea para sa mga ganitong video. Ang sagot, GOOGLE! Yan ang number 1 search engine ng mga researcher at dyan ka makakakuha ng mga topic kung ano ang pwede mong i-create.

Punta ka sa Google tapos type mo yung mga keywords na may Top, halimbawa… “Top 10 Rich Celebrities” or “Top 10 Best Dress 2017” at lalabas sa google ang napakaraming websites na pwede mong pagkunan ng idea.

Dapat sagana sa image o pictures ang website na ito para mas marami kang ma-collect na imahe at ma-download.

Teka, akala ko ba video? Yep! Video nga ang gagawin natin sa pamamagitan ng mga images. At yan ang mapapanood nyo sa tutorial na nasa ibaba. Kapag nakaipon na kayo ng sapat na image o picture with topics, pwede na kayong makagawa ng video.

Panoorin niyo na lang guys yung video tutorials link na nasa ibaba.

https://www.youtube.com/watch?v=fXY6AT4trf0 or Click Here.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *